Pagkakaisa at Tuloy-tuloy na Paglilingkod: Pinangunahan ng CLMD ang Pagtataas ng Watawat sa DepEd NCR
Lubos ang diwa ng pagkakaisa at dedikasyon sa paglilingkod na naramdaman sa pangunguna ng Curriculum and Learning Management Division (CLMD) sa ginanap na pagtataas ng watawat ngayong umaga, Agosto 24, 2026, sa DepEd National Capital Region.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Regional Director at kasalukuyang nanunungkulang OIC-Assistant Secretary for Operations, Asec. Jocelyn DR Andaya, na kinatawan ni Assistant Regional Director Rita E. Riddle, ang kahalagahan ng patuloy na pagtrabaho sa kabila ng suspension ng klase at trabaho noong nakaraang linggo dulot ng masamang panahon. Aniya, mahalaga ang dedikasyon ng bawat kawani upang matiyak ang tuluy-tuloy na serbisyo publiko.
Nagpaalala rin ang CLMD tungkol sa nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani sa Agosto 31, 2026, kung saan pinaalalahanan ang lahat na gunitain ang sakripisyo ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa. Kaugnay nito, pinangunahan ni G. Sherwin C. Mamaril, EPS, CLMD, ang patimpalak na “Malikhaing Pagkukuwento” na naglalayong palakasin ang pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng sining ng pagkukuwento. Ang patimpalak ay bahagi ng paghahanda sa selebrasyon ng National Heroes Day na may temang “Isang Diwa, Isang Lahi, Isang Bayanihan.”
Ang makulay at makabuluhang flag ceremony ay nagpatibay sa panawagan ng DepEd NCR na patuloy na maglingkod nang may puso at malasakit sa kabila ng anumang hamon.
